submit profiles

Who Am I

We do not know who you are. Please supply your name and email address.







Profile

Allowable Tags: <p><b><em><u><strong><a><img><table><tr><td><blockquote><ul><ol><li><br><sup>
Select a category:
Upload Image
Tao po Ako
  1. #1 by tobias on December 6, 2010 - 10:35 pm

    HON. JV EJERCITO ESTRADA
    Congressman
    City of San Juan

    HON. TOBIAS REYNALD TIANGCO
    Congressan
    Lone District of Navotas

    From: Transport Sector
    Southern Luzan Bus Operators Association
    Alliance of Metro Manila Bus Association

    Pagbati!!!

    Kgg. JV Estrada,

    Sana po ay matalakay ninyo ito mga maanomalyang pamemerwisyo sa aming mga bus operators. Salamat po.

    Issue No. 1.

    PATAY NA PRANGKISA – BINUHAY NG PALASYO

    MALAKAS ang paniniwala ng samahan ng Southern Luzon Bus Operators Association na may kinalaman sina dating DOTC Secretary Leandro Mendoza, LTFRB Chairperson Alberto Suansing, Board Members Atty. Ellen Cabatu at Eng’r Pinili hinggil sa maanomalyang pagkabuhay ng patay na prangkisa ng Batangas, Laguna, Tayabas Bus Lines (BLTB).

    Maging ang Malacañang ay pinaniniwalaang nakipagsabwatan ito sa mga nabanggit na miyembro ng gabinate ni dating Pangulong Gloria Macapal-Arroyo upang bigyang-pabor ang kinikilalang abogado.

    Nanindig ang mga balahibo ng mga lehitimong bus operators dito sa Southern Luzon, gayundin ang mga taga-Metro Manila hinggil sa ginawang “MULTO o ZOMBIES” ng Palasyo ng Malakanyang.

    Ang naturang “MULTO o ZOMBIES” na tinutukoy na binuhay ng Palasyo ay pinaniniwalaang may ugnayan na dito sina Suansing at bagong Excutive Secretaryna si Atty. Pacquito Ochoa at Department of Transportation and Communications (DOTC) upang bigyang-buhay ang may humigit kumulang 15 taong patay na prangkisa ng BLTB na nga-yon under operation ng Saint Group of companies na kinabibilangan ng Saint Christopher-Del Monte Land Transport Bus Co., (DLBT).

    Nabatid na ang Del Monte Motors Corporation na may punong tanggapan at bus Manufacturer sa Del Monte Avenue, San Francisco Del Monte, Quezon City, ay pag-aari ni Atty. Morales na pamangking-buo ni Exec. Sec. Atty. Ochoa na dating administrator ni dating QC Mayor at ngayon ay Congressman sa 2nd District ng Quezon City na si Feliciano “Sonny” Belmonte.

    Ngayon sa PNOY administration ay pinursige ni Atty. Ochoa si DOTC Sec. Jesus “Ping” de Jesus para sa agarang pagproseso ng mga dokumentong may kaugnayan sa patay na prangkisa ng BLTB Bus Company para sa kapakanan ni Atty. Morales.

    Dahil sa naturang kautusan, agad naman inatasan ni DOTC Secretary Ping de Jesus si LTFRB, Assec. Chairperson Atty. Nelson P. Laluces, na magsagawa ng mabilisan pagproseso sa patay na prangkisa ng BLTB.

    Makaraang makarating sa tanggapan ng LTFRB ang mga doku-mento ni Morales ay nagsabwatan na sina Laluces at ang mga Board Members nito na sina Atty. Manuel M. Iway at Eng’r. Samuel Julius B. Garcia, kung saan mabilis at tahimik na naisagawa ng aprobal ng prangkisa na hindi dumaan sa isang consultation at public hea-ring at dapat ay nai-publish ito sa mga Daily and National Circulation Newspapers.

    Ang tanong ni Juan dela Cruz, may kinalaman kaya dito si Mr. Aquino sa maanomalyang pagbuhay sa patay na prangkisa ng BLTB na ginawa nina Mendoza, Suansing, Atty. Ochoa, Atty. Ping de Jesus, Atty. Laluces, Atty. Iway at Eng’r. Garcia?

    Para sa kaalaman ng mga mambabatas mula sa Mababa hanggang sa Mataas na Kapungan, ang matagal na patay na prangkisa ay hindi na maaaring pang buhayin kahit na ito ay nabili mula “Sheriff Sale”.

    Itong prangkisa ng BLTB na ngayon ay DLTB ay dapat na halukayin at talakayin sa 15th Congress nina Congressmen Chairmen Tobias Reynald Tiangco, Rufus Rodriguez and Maximo Rodriguez, Jr., JV Ejercito Estrada, Ben Everdone at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

    Ayon kay Juan dela Cruz, dapat isama sa HR No. 379 ang paghalukay at pag-imbestiga sa pagkabuhay ng patay na prangkisa ng BLTB na ngayon Del Monte Land Transport Bus Co. at BLTBCo.

    Ang ikinatatakot ni Juan dela Cruz ay marami pang patay na prangkisa ang maaaring buhayin pa ng Palasyo tulad ng Pantranco, Halili, DM, JD at marami pa.

    *****

    Issue No. 2

    Mali ang husga ng MMDA sa mga bus operators

    MASYADONG naging malikot at marumi ang pag-iisip ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Francis Tolentino dahil sa mali niyang (Tolentino) paghuhusga sa Metro Manila Bus operators.

    Isang malinaw na pangitain na walang wastong kaalaman si Atty. Tolentino hinggil sa mga usaping transportation.

    Bilang chairman ng MMDA na sumasakop sa 15 lungsod at 2 munisipyo, dapat ay malawak ang kanyang (Tolentino) kaalaman na magpatakbo ng naturang ahensya.

    Pinalagan ng transport sector partikular na nang mga bus opera-tor ang akusasyon ni Tolentino hinggil sa “biyak o kambal” plaka ng mga bus.

    Base sa mahinang kaalaman ni Atty. Tolentino, kaya raw nawawala ang ‘rear plate’ ng ilang bus ay dahil sa ikinakabit ito sa ibang unit ng bus.

    Dito makikita na mistulang utak ng ‘bukbok’ meron si Atty. Tolentino, “PAANONG MAILILIPAT SA IBANG UNIT NG BUS ANG ISANG PLAKA, SAMANTALANG SI TOLENTINO PA MISMO ANG NAGPATUPAD NA LAGYAN NG MGA STICKER ANG WINDSHIELD NG LAHAT NG BUS, KUNG SAAN DUON MISMO SA STICKER NA IYON NAKASULAT ANG PLATE NUMBER NG BUS AT NAKALETTERING PA ITO NG -BOLD LETTER SA MAGKABILANG GILID AT LIKOD NG BUS?”, hindi ba’t isang malaking kamalian ang paghusga nito sa mga bus operators. Hindi naman natin masasabing ‘ignorance of the law’ si Tolentino dahil sa siya’y isang abogado.

    Pero gamitin naman sana ni Hon. Atty. Francis Tolentino ang kanyang pinag-aralan sa batas upang matuwa naman ang kanyang mga magulang na nagsikap at tumustos sa kanyang pag-aaral matapos lamang sa kursong abogasiya na ngayon ay dapat na niyang gamitin sa makatotohanan at makataong paglilingkod.

    Para sa kaalaman ng MMDA, hindi kasagutan ang pagpapatupad ng “Odd-Even Scheme” sa mga buses, ang dapat nitong gawin ang umahin munang hulihin ang mga colorum at mga nag-a-out-of-line na karamihan dito ay nagte-terminal sa EDSA, Cubao kung saan halos puro Northern Luzon ang biyahe ng mga ito at hindi mahirap puntahan at imbestigahan ang kanilang mga prangkisa.

    *****

    Issue No. 3

    Payolas, dapat linawin ng MMDA sa Kongreso

    NOONG nakalipas na Nobyembre 24, 2010 ganap na ika-09:30 ng umaga ng magsimula ang confe-rence sa rooms 14 & 15 sa Ramon V. Mitra Building, House of Representatives kung saan isa sa mga tinalakay ng Committee on Metro Manila Development na pinamunuan ni Chairman Rep. Tobias Reynald Tiangco ang tungkol sa “alleged payment of payola of bus companies to the Metro Manila Development Authority”.

    Base sa HR No. 349 nina Congressmen Rufus B. Rodri-guez at Maximo B. Rodriguez, Jr., sinabi raw ni MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino na kanyang (Tolentino) nadiskubre na may ilang bus company na nagbibigay ng payolas sa miyembro ng MMDA.

    Binanggit pa ni Rodriguez sa kanyang HR 349, ilan sa nadiskubre ni Tolentino na naghahatag ng payola ay ang Baliwag Transit, St., Rose at Five Star Transit kung saan ang Baliwag at St. Rose ay nagbibigay ng P20,000 kada buwan at ang five Star ay nagbibigay ng P30,000 kada buwan.

    Gayun napangalanan na pala ni Atty. tolentino ang mga bus companies na nagbibigay ng payolas, at alam na nito ang halagang ibinibi-gay, bakit hindi pa nito (Tolentino) sampahan ng kaukulang kaso ang mga nabanggit na kumpanya ng bus?

    Tiniyak din ni Tolentino sa mga kongresista na maliban sa mga nabanggit ng kumpanya ay may lima pang transport groups na nagte-terminal sa Fairview ang nagbibigay ng P5,000 kada buwan sa ilang MMDA personnel.
    Idinagdag pa ni Tolentino na maging mga drivers ng pampubliko behikulo sa Novaliches Central Terminal na ginawa ng MMDA ay nagbibigay din daw ng P5,000 kada linggo.

    Gayun alam na pala ni Atty. Tolentino kung sino ang nagbibigay, kung magkano ang ibinibigay at kung sino ang pinagbibigay, bakit hindi pa nito gawan ng tamang aksyon upang makagawa at makapag-report siya (Tolentino) ng wasto sa Kongreso at hindi isang haka-haka lamang at publicity lamang sa Media.

    Bilang isang abogado at nga-yon ay public servant na matatawag, dapat ay mag-report siya (Tolentino) ng tamang impormasyon sa bayan at sa mambabatas upang ang mga kongresista ay hindi maligaw sa kanilang tinatalakay para sa kaalaman ng samba-yanan at kanilang malaman kung ano ang dapat nilang gawing batas na pakikinabangan ng publiko.

    Hamon kay Tolentino, sampa-han niya ng kaukulang kaso ang mga kumpanya ng bus na kanyang binanggit, dahil siya mismo ang nag-report nito sa kongreso.

    Ang report na ito ay nagmula sa HR No. 349 nina Congressmen Rufus B. Rodriguez at Maximo B. Rodriguez, Jr., na tinalakay sa ginanap ng Metro Manila Development 15th Congress noong nakalipas na Nobyembre 24, 2010 sa Ramon V. Mitra Building, House of the Representatives.

    *****

    Issue NO. 4

    LTFRB chairperson, ‘di matagpuan sa opisina

    MISTULANG kangkarot na trumpo si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Nelson P. Laluces, dahil sa ‘di ito matagpuan sa kanyang opisina sa main office ng LTFRB sa East Avenue, Quezon City.

    Ayon sa ilang operator ng pampublikong sasakyan, inaabot sila ng hanggang ika-7:00 ng gabi sa kahihintay kay Atty. Laluces upang pirmahan ang mga dokumneto na dapat ay matagal na itong nai-release.

    Sa pahayag ng isang ginang na ayaw magpabanggit ng pangalan, mahabang panahon na siyang nagpapabalik-balik sa tanggapan ni Laluces sa pag-asang napirmahan na ang kanyang dokumento ng kanyang sasakyan upang makapaghanapbuhay na ito.

    “Nuong una po akong nag-follow-up ng aking papeles, wala daw po si Atty. Laluces, may Official Business (OB) trip daw ito sa Cambodia kasama ang ilang bagong talagang opis-yal ng LTFRB, subalit may iniwan si-yang tumatayong OIC, pero wala rin silbi at mistulang tuod sa kaniyang tanggapan.” sambit ng ginang.

    “Araw ng Linggo ng dumating si Laluces and company. Umasa ako na araw ng Lunes ay mapipirmahan na ang aking dokumento, subalit hindi pa rin ito nagtrabaho dahil dumalo naman siya sa isang salu-salo na inihain ng PAMI Insurance company na naka-affiliated sa LTFRB kung saan ay nakapagpa-interview pa ito (Laluces) sa Media.” dagdag pa ng ginang.

    Araw ng Miyerkules, dumalo naman si Laluces sa Regional Confe-rence kung saan natapos ang buong isang linggo ay walang napirmahang dokumento ito (Laluces).

    Dahil sa mga maling istilo ni Laluces, nasisilip tuloy ng mga lumalakad ng mga dokumento sa LTFRB ang ginawang madaliang pagpirma ng mga opisyales ng LTFRB upang mailabas agad ang prangkisa ng DLTB na pag-aari ng isang Atty. Morales na pamangking-buo ni Executive Secretary Atty. Pacquito Ochoa.

    Ayon sa ginang, kung talagang nanais ni Laluces na maglingkod sa bayan, manatili siya sa kanyang tanggapan at agad na pirmahan ang mga dokumentong nakatambak sa kanyang lamesa.

    Ang masakit para sa mga taong umaasa sa serbisyo ni Laluces, kitang-kita nila ang “No Corruption, No Transaction System” nito.

    Pero hindi masasabing ‘No Corruption’, ano raw ba ‘yong patay na binuhay ng magkakasabwat na Gabinete ng Malakanyang na pawang mga trustee ni Pangulong Aquino, simula sa Executive Secretary hanggang sa mga Assistant Secretaries para lamang bigyang pabor ang pamangkin ni Ochoa, kahit na masira ang pangalan ni Pangulong Aquino at masira naman ang tiwala ng taumbayan kay PNOY.

    Kahilingan ng ginang, huwag naman daw sanang magmadali sa pagpapayaman ang mga miyemro ng gabite sa pamamagitan ng pangungurap at pagpapahirap sa mamamayan na umaasa sa pagbabago ng bansa.

    *****

    Issue No. 5

    ABUSADONG PASAY CITY TRAFFIC ENFORCERS, MAYOR DAPAT KUWESTIYUNIN

    SAMANTALA, idagdag na rin natin dito ang mga tahasang pangongotong na pangkaraniwang ginagawa ng Pasay City Traffic Enforcement Group kung saan ay naging palabigasan na nang mga traffic enforcers ang mga buses na umiikot sa Mall of Asia. Ganito ang kanilang modus operandi.

    Paparahin at hihingin ang kopya ng Decision o Franchise ng bus, kapag ipinakita ng driver ang prangkisa ay sasabihin ng bobo sa dilang bobong traffic enforcers na “Out-of-Line” ito dahil sa walang makasulat na Mall of Asia sa prangkisa.

    Maliwanag ang nakasulat sa prangkisa ay EDSA Extension, na ang ibig sabihin ay tatawid ito sa Roxas Boulevard at aabot hanggang Mall of Asia, subalit ang MOA ay hindi kalye o kalsada na daraanan ng mga sasakyan, sa halip ito ay isang “MALL” na madadaanan ang harapan nito ng anumang uri ng sasak-yan dahil sa ito ay matutumbok lamang at nasa hurisdiksyon ng EDSA Extention, kung kayat hindi makatwiran na hulihin ang mga bus na tumutumbok at dadaan sa harap ng Mall of Asia at mas lalong hindi papasok sa loob ng nasa-bing mall ang mga bus upang hulihin ng mga traffic enforcers ng Pasay City.

    *****

    Issue No. 6

    NO CORRUPTION, NO TRANSACTION SA LTFRB

    ITO ngayon ang nagaganap sa tanggapan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue, Quezon City simula nang manungkulan ang mga bago’t walang kaalaman sa usaping transportasyon na sina Atty. Nelson P. Laluces, bilang Chairman; Atty. Manuel M. Iway at Eng’r. Samuel Julius B. Garcia – kapwa natalaga bilang Board Members.

    Sina Laluces, Iway at Garcia ang piniling-itinalaga ni Pangulong Aquino dahil sa kanyang pagtitiwala na malaki ang maiaambag na tulong para sa biglaang paglobo ng problema sa transportasyon sa panahon ng mga nagdaan administration.

    Subalit dismayado ang mga may-ari ng mga pampublikong sasakyan sa iniaasal at ipinatutpad ni Laluces na “No Corruption, No Transaction”, dahil sa hindi nito nagagampanan ang kanyang tinanggap na posisyon.

    Kamakailan, tatlong araw na nagpasarap sa bansang Cambodia si Laluces, kasama ang ilang bagong talaga opisyales ng LTFRB, bagamat nag-iwan ito ng tumayong Officer-In-Charge (OIC) ay wala naman itong silbi at nagmistula lamang na palamuti, dahil sa walang silbi.

    Tanong ni Juan dela Cruz, bakit kailangan pang magtungo sa Cambodia ang grupo ni Laluces, samantalang nandito lamang sa kanyang tanggapan ang mga dokumento na dapat niyang PIRMAHAN upang mai-release na sa mga kinauukulan na matagal nang nakabinbin sa tanggapan ng LTFRB.

    Araw ng linggo ng bumalik si Laluces sa bansa. Subalit nuong nakalipas na Lunes ay nakuha pa nitong dumalo sa party ng PAMI Insurance (dahil may PERA dito) – (corruption din ‘yan Atorni Laluces).

    Wednesday, dumalo naman sa Regional Conference. Natapos ang buong isang linggo ay walang nagawang transaction si Laluces dahil sa hindi ito nagtrabaho para sa kapakanan ng iba’t ibang transport sector.

    Ayon kay Juan dela Cruz, mas mabuti pang may CORRUPTION dahil meron natatapos na TRANSACTION, kaysa walang CORRUPTION, wala namang nagagawang transaction.

    Bakit hindi imbestigahan ang biglang pagdami ng mga bus na siyang dahilan ng paglobo o pagbuntis ng mga prangkisa na naganap sa panahon ng mga naunang LTFRB Chairman?

    Base sa moratorium mula sa tanggapan ng LTFRB, isinasaad nito na hanggang 3,800 unit lamang ang tamang bilang ng bus na dapat tumakbo sa EDSA. Sinabi din sa moratorium na “WALANG BABAWASAN at WALANG IDA-DAGDAG” na bilang ng bus, kung kaya’t dapat na magsagawa ng imbestigasyon ang Department of Transportation and Communication (DOTC) at LTFRB.

    Ayon kay Juan dela Cruz, dapat munang linisin ng LTFRB ang mga colorum, out-of-line, doble plaka (kambal plaka), buntis o nanganak na prangkisa at higit sa lahat, dapat repasuhin ang mga bagong apruba (latest approved franchise) na mabilis na inaprubahan ng mga naunang LTFRB Chairperson.

    Bago sana mag-implement ng anumang batas ang LTFRB, dapat magkaroon muna ng negosasyon sa panig ng gobyerno at ng transport sector.

    Hiling pa Juan dela Cruz, na imbestigahan ang panganganak ng prangkisa ng ilang malalaking kumpanya ng bus na pawang sinamantala nuong panahon ng mga naunang chairperson.

    Kung bubusisiin lang ng DOTC, LTFRB, LTO at MMDA ang lahat na bus terminal sa Maya Theater, EDSA, Cubao ay makikita nito ang kasagutan sa problema hingging sa illegal operations ng mga dambuhalang kumpanya.

    Kung talagang may dedikasyon at totoong nais maglingkod itong sina DOTC Secretary Ping de Jesus, Asst. Secretary Atty. Laluces at kanyang dalawang Board Member, gayundin si MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino, bakit hindi sila magpalabas ng “Franchise Verifications” para sa mga buses na naka-terminal sa nasabing lugar upang kanilang matunton ang pinagmulan ng problema tungkol biglaang paglobo ng mga colorum at out-of-line bus sa Kalakhang maynila at karatig na lalawigan.

    Dapat din marahil na busisiin ng LTFRB kung bakit nakakapag-operate ang ilang bus na sangkot sa aksidente na kamakailan lamang ay sinuspinde ng naturang ahensya, subalit ilang araw pa lamang ang kanilang suspension ay agad itong nakakabiyahe. Sa magkanong cash-sunduan natapos ang suspension? Ito ang dapat na bigyang kasagutan ng LTFRB.

    Ayon pa kay Juan dela Cruz, dapat nang magsagawa ng masusing pagsisiyasat ang tanggapan ng Ombudsman at isailalim sa imbestigasyon ang bawat deparment head at mga counter personnel hinggil sa hindi kaagad pag-apruba o pag-release sa mga dokumento ng ilang transport sector kung saan ay kailangan pang magbigay ng padulas o grease money upang mapabilis ang proseso nito.

    Patutunayan ni Juan dela Cruz na si MONEY ay sadyang mukhang pera, kung saan ang kanyang trabaho ay tumanggap lamang ng mga dokumento at hindi siya ang mag-e-evaluate nito, subalit masyado nitong iniipit si Juan dela Cruz sa tuwing ito’y maghahain ng kanyang papeles sa window na kinaroroonan ni MONEY.

    *****

    Issue No. 6

    MMDA AT LTFRB, MAY NILULUTONG CORRUPTION VS. BUS OPERATORS

    ISANG MALINAW NA “CORRUPTION” ANG PINAPLANO nina MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino at LTFRB Chairperson Atty. Nelson P. Laluces hinggil sa sinasabing ikakansela ng LTFRB ang prangkisa ng sinumang bus operator na sakaling mapatunayan lumabag sa ordinansa ng nasabing ahensya.

    Sinabi ng LTFRB na kanilang kakanselahin ang nasabing prangkisa at muling tatanggap ng ibang franchise applicant na tiyak na pagkakakitaan ito nang namumuno sa nabanggit na ahensya.

    Magugunita na nagsabwatan sina Atty. Tolentino at Atty. Laluces upang kanilang planohin kung papaano nila pagkakakitaan ang iba’t ibang grupo ng transport sector.

    Subalit kung talagang nanaisin lamang nina Tolentino at Laluces na mapaluwag ang kahabaan ng EDSA, una muna nilang alisin ang mga naglipanang GT Express, UV Express, mga colorum na pampasaherong sasak-yan at mga nag-a-out-of-line.

    Kung sakaling plano nilang magbawas ng prangkisa ng buses dito sa Metro Manila, bakit pa sila tatanggap ng baguhang aplikante at ito’y isang unconstitutional.

    Sa palagay ni Juan dela Cruz, mas higit na makabubuti kung tutulungan ng gobyerno ang mga maliliit na investors dito, bigyan ng mababang presyo ng petrolyo at piyesa partikular na sa mga pampublikong sasakyan.

    Dapat sigurong makipag-ugnayan sina Tolentino at Laluces sa transport sector upang higit nitong maunawaan kung ano ang dapat nilang gawin at kung ano ang maitutulong o support mula sa mga operators upang magkaroon ng matibay na binding ang transport sector at gobyerno.

    Kaugnay nito, nakikiusap si Juan dela Cruz kina Tolentino at Laluces, na hanapin ang pinagmulan kung bakit sumobra ng humgit isang libong unit ng bus ang ngayon ay tumatakbo sa EDSA sa halip na 3,800 lamang ang itinalaga ng LTFRB base sa nakapaloob sa “Moratorium” na pinagtibay ng naturang ahensya.

    Para sa kaalaman nina TOLENTINO at Laluces, ang orihinal na bilang ng bus na dapat lamang tumakbo sa EDSA ay 3,800 LANG at ang sumobra dito ay dapat ng kanselahin at huwag nang tumanggap ng bagong aplikante.

(will not be published)